Araling Panlipunan

Grade 1 Araling Panlipunan

Pamantayang Pagkatuto: Naipamamalas ang kamalayan, pag-unawa sa sarili bilang Pilipino at kasapi ng pamilya at paaralan at pagpapahalaga sa kapaligirang pisikal gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon, distansya at direksyon tungo sa pagkakakilanlan bilang indibidwal at kasapi ng komunidad.

Grade 2 Araling Panlipunan

Pamantayang Pagkatuto: Naipamamalas ang kamalayan, pag-unawa at pagpapahalaga sa kasalukuyan at nakaraan ng kinabibilangang komunidad, gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon, pagkakasunod-sunod ng pangyayari, mga simpleng konseptong hepgrapikal tulad ng lokasyon at pinagkukunang yaman at bukal ng yamang lahi, at konsepto ng mga saksi ng kasaysayan tulad ng tradisyong oral at mga bakas ng kasaysayan.

Grade 3 Araling Panlipunan

 Pamantayang Pagkatuto: Naipamamalas ang malawak na pag-unawa at pagpapahalaga ng mga komunidad ng Pilipinas bilang bahagi ng mga lalawigan at rehiyon ng bansa batay sa (a) katangiang pisikal (b) kultura; (c) kabuhayan; at (d) pulitikal, gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon ng tao at kapaligirang pisikal at sosyal.

Grade 4 Araling Panlipunan

4 PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Naipagmamalaki ang pagka-Pilipino at ang bansang Pilipinas na may pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng mga kulturang Pilipino batay sa paggamit ng mga kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansang Pilipinas. 

Grade 5 Araling Panlipunan

 PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkakabuo ng kapuluan ng Pilipinas at mga sinaunang lipunan hanggang sa mga malalaking pagbabagong pang-ekonomiya at ang implikasyon nito sa lipunan sa simula ng ika-labing siyam na siglo, gamit ang batayang konsepto katulad ng kahalagahang pangkasaysayan (historical significance), pagpapatuloy at pagbabago, ugnayang sanhi at epekto tungo sa paglinang ng isang batang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa at may pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng maunlad na kinabukasan para sa bansa. 

Grade 6 Araling Panlipunan

 PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Naipamamalas ang patuloy na pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas mula sa ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan, tungo sa pagbuo ng tiyak na pagkakakilanlan bilang Pilipino at mamamayan ng Pilipinas Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas base sa pagsusuri ng sipi ng mga piling primaryang sangguniang nakasulat, pasalita, awdyo-biswal at kumbinasyon ng mga ito, mula sa iba-ibang panahon, tungo sa pagbuo ng makabansang kaisipan na siyang magsisilbing basehan ng mas malawak na pananaw tungkol sa mundo 

Grade 7 Araling Panlipunan

 Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayan sa heograpiya , kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon tungo sa pagbubuo ng pagkakakilanlang Asyano at magkakatuwang na pag-unlad at pagharap sa mga hamon ng Asya. 

Grade 8 Araling Panlipunan

 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon, at pag-unawa sa kasaysayan, politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng Daigdig mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. 

Grade 9 Araling Panlipunan

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa ekonomiks at pambansang pag-unlad gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga ng mga disiplinang panlipunan tungo sa paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagnilay, mapanagutan, makakalikasan, produktibo, makatarungan, at makataong mamamayan ng bansa at daigdig. 

Grade 10 Araling Panlipunan

 Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pampulitika, karapatang pantao, pang-edukasyon, at pananagutang pansibiko na kinahaharap ng mga bansa sa kasalukuyan, gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pananaliksik, mapanuring pag-iisip,mabisang komunikasyon, pagiging makatarungan, at matalinong pagpapasya.